Make your own free website on Tripod.com
Home talaan ng mga nilalaman

Ang Kabala at Ako

 

Kasiyahan at Pighati

Kasiyahan at pighati ay dalawang mga lakas na sa pamamagitan nito ang ating mga buhay ay pinangasiwaan. Ang ating natural na Kalikasan—ang hangarin para magsaya—nagtulak sa atin para sumunod sa nakatalaga na na mga pormulang nauukol sa kaugalian: ang hangarin para tumanggap sa pinakamalaking kaligayahan sa pinakamaliit na pagsusumikap. Kaya, tayo ay inatasang pumili ng kaligayahan at tumakas mula sa pighati. Sa gayon, hindi nagkaroon ng kaibahan sa pagitan natin at sa iba pang mga hayop.

      Nakilala ng psikolohiya ang posibilidad na baguhin ang mga priyoridad ng bawat tao. Tayo ay maaring turuan para gumawa ng iba't ibang mga pagsusuring kapakipakinabang. Posible ring purihin ang kinabukasan sa mga mata ng bawat tao para siya ay sasang-ayon na dumanas ng kasalukuyang mga pagsubok para sa gantimpalang darating.

      Halimbawa, tayo ay nakahandang gumawa ng malaking pagsusumikap sa pag-aaral para pag-aralan ang hanapbuhay na magkaloob ng mataas na sahod o kagalang-galang na katayuan. Itong lahat ay tanong ng mga pagsusuring kapaki-pakinabang. Sinusuri natin gaano karaming pagsusumikap ang magdala sa atin sa gayon karami ring kaligayahan, at kung tayo ay iwanan kasama ang subrang kaligayahan, tayo ay gumawa para maabot ito. Ginawa tayong lahat ng ganito.

      Ang nag-iisang kaibahan sa pagitan ng tao at ng hayop ay ang tao ay maaaring umasa sa layuning darating at sumang-ayon para dumanas sa isang panukat na paghihirap at pighati para sa gantimpalang darating. Kapag suriin natin ang partikular na tao, makikita natin na lahat ng mga gawain ay nanggaling sa ganitong uri ng pagsusuri, at isa iyon, sa katunayan, na magsagawa ng mga ito nang hindi kinukusa.

Ukol sa Kapaligiran na Pagsasanay

      Bagama't ang hangaring magsaya ay nag-atas sa atin na umiwas sa pighati at piliin ang kasiyahan, tayo ay walang kayang pumili kahit sa uri ng kasiyahan na ating gusto. Ito ay dahil sa ang desisyon kung ano ang ikaliligaya ay ganap na hindi-abot sa ating mga kamay, dahil sa ito ay naugnay sa mga hangarin ng iba.

      Ang bawa't tao ay namuhay sa loob ng kapaligiran ng di-karaniwang mga batas at kultura. Hindi lang sa ang mga ito ay nagpasya ng mga pamantayan ng ating pag-uugali, nguni't sila ay nakaapekto din sa ating mga pananaw tungo sa bawa't aspeto ng buhay.

      Sa totoo, tayo ay hindi pumili sa ating pamamalakad sa buhay, ng ating hanapbuhay, ng ating mga gawain sa oras na tayo ay malaya sa trabaho, ng pagkain na ating kakainin, o ang uso ng pananamit na ating sinusunod. Lahat ng ito ay pinili ayon sa mga kapritso at mga kabaliwan ng lipunan na nakapaligid sa atin.

      Bilang karagdagan sa nasabi, hindi kailangan na ang lalong mabuti na bahagi ng lipunan ang pumili subalit mabuti pa ang lalong marami. Sa katunayan, tayo ay nakakadena ayon sa mga ugali at mga gusto ng ating mga lipunan na siyang naging mga pamantayan sa pag-uugali.

      Ang pagtamo sa paghanga ng lipunan ay ang layunin sa lahat ng bagay na ating ginawa. Kahit na gusto tayo na maging kakaiba, ang paggawa ng bagay na hindi pa nagawa ng iba noong una o ang pagbili ng bagay na wala pa sa iba o kahit ang magretiro sa lipunan at mapahiwalay sa ating mga sarili, ginawa natin ito para matamo ang paghanga ng lipunan. Mga pag-iisip tulad ng, "Ano ang masasabi nila tungkol sa akin?" at "Ano ang iniisip nila tungkol sa akin?" ay ang pinakamahalagang mga dahilan, kahit na tayo ay mapadako sa pagtanggi at supilin sila. Sa wakas, ang aminin sila ay parang ipinagwalang-bisa ang ating mga "sarili."

      Mula sa lahat na nabanggit sa itaas, saan, kung mayron, natin mahanap ang malayang pagpili? Para masagot ang tanong na ito, kailangan muna nating unawain ang ating sariling diwa, at tingnan kung aling elemento ang nagtaglay sa atin. Sa kanyang sanaysay, The Freedom, isinulat sa 1933, ipinahayag ni Baal HaSulam na sa loob ng bawat bagay at sa loob ng bawat tao ay may apat na dahilan na nagpaliwanag sa kanila.

      Tinapos niya ang sanaysay, pagkatapos suriin ang apat na mga dahilan, na ang ating malayang pagpili lamang ay ang pagpili ng tamang kapaligiran. Kapag hikayatin nating baguhin ang ating nakapaligid na mga kalagayan at pabutihin ang ating kapaligiran, binabago natin ang bisa ng kapaligiran sa ating nababagong mga katangian, at sa gayon pasyahan ang bukas.

      Sa lahat ng mga antas ng Kalikasan—ang walang galaw, halaman, hayop, at tao—ang tao lamang ang may ulirat na pumili sa kanyang kapaligiran na nagpaliwanag sa mga hangarin, pag-iisip at mga gawain. Kaya ang proseso ng pagwawasto ay nababatay sa pakikitungo ng tao sa kapaligiran. Kung ang ating kapaligiran ay nagtamo ng mga angkop na pamantayan sa paglago, makamit natin ang dakilang mga kinalabasan.

 
  

The Wandering Faith Ministry (AD 1999)

Top