Make your own free website on Tripod.com
Home talaan ng mga nilalaman

Ang Kabala at Ako

 

Pwede Bang ang Tunay na "Ako" ay Tumayo

Sino si Joe Blow?

Karamihan sa atin ay tunay na may katapatang-loob sa kung sino tayo. Sa katunayan, pinakamarami sa pagkakataon tayo din ay may pananalig sa kung sino ang mga kaibigan natin. Subalit sa oras na ako ay magsimulang maglarawan sa aking sarili o sa aking kaibigan, ang piniling mga saligan para sa paglalarawang iyon ay kadalasang magsimula sa pangkatawang paglalarawan: edad, kasarian, tangkad, pangkalahatang anyo, kulay ng buhok, kulay ng mata at iba pa.

Sabihin mo sa akin ang karagdagang bagay tungkol sa kanya. Ano ang kawangis niya?

      Mangyari pa, ang uri ng paglalarawang ito ay tunay na limitado at nagbigay ng lubos na di tunay na pagliliwanag hinggil sa partikular na tao na siyang inilarawan at tayo ay agad-agad nagpatuloy sa paglalarawan sa kung ano ang taong iyon kawangis, sa ibang salita, ang kanyang mga katangian.

Kailangan ko ang dagdag na kaalaman! Ano ang gusto niyang gawin?

      Ilan sa mga katangiang ito ay nababatay sa pangunahing kapaligiran, ang kanilang pamilya, trabaho, ibang mga kaibigan, saan sila nakatira, at iba pa. Sa uulitin, nakita natin na ang atin paglalarawan ay kulang. Sa bandang huli, kung hukayin natin nang pinakamalalim, madiskubre natin ang huling pinakamalalim na patong: ano ang taong iyon kapareho. Halimbawa, ang ating kaibigan ay maaaring gusto ng opera o musikang probinsyal, putbol o beysbol, magbasa o manood ng TV, manatili sa bahay kasama ang pamilya o lumabas at magparti sa buong magdamag.

      Pero ano talaga ang inilarawan natin dito? Ang mga katangiang ito ay tunay na mga hangarin ng partikular na tao na matuwang ito ay maisakatuparan. Simula nating makilala ng tunay ang isang tao kung malaman natin ano ang kanilang gusto, ano ang makakatuwa sa kanila, ano ang makapagbigay sa kanila ng pinakamaraming kasiyahan. Ito ay tamang-tama kung bakit, karaniwan, ang ating pinakamatalik na mga kaibigan ay ang mga taong kanino tayo ay mayroong pinakamaraming pangkaraniwan tungkol sa ano ang makapagbigay sa atin ng kasiyahan.

      Sa ibang mga salita, kung gusto nating gumawa ng kaparehong mga bagay gaya ng ating kaibigan, gusto nating maging malapit sa kanila palagi. Ang huli nating mga konklusyon kaugnay sa "sino" kahit sino ay sa katotohanan palaging nababatay sa mga hangarin na di karaniwan sa partikular na taong iyon.

Ako ba ay ang aking mga hangarin?

      Ito ba ay nangangahulugang ako ay ang aking mga hangarin? Maliban sa aking mga katangiang byolohiko, ako ba ay tiyak na bilang lang ng mga kagustuhan ko na kung ating pagsama-samahin ay magbuo ng ako, ang tao?

      Nakita natin sa pinakaraming iba't ibang mga hangarin sa mundong ito na kung kunan natin ng kabuluhan ang bawa't isa ng mga hangaring ito, unawaing ang bawa't isa sa kanila ay maaaring maisakatuparan sa maraming paraan, hindi kamangha-mangha bakit nagkaroon ng napakaraming pagkakaiba-iba sa lahat ng tao sa planeta.

      Gayon pa man, isaalang-alang ng isang sandali na baka ay mayroong mas malalim na "ikaw," ang "ikaw" na di-itinakda ng mga kumbinasyon ng mga katangiang pisikal at ng kabuuan ng mga hangarin sa partikular na uri ng kasiyahan. Saan at paano ko madiskubre ang "ako" na iyon sa loob ng panlabas na "ako"?

      Naguguluhan pa rin? Anong ibang "ako" ang posibleng mayroon?

Ako ay hindi mga hangarin ko

      Ang sagot sa tanong na ito ay matagpuan hindi sa loob ng mga hangarin na nagbuo ng tao, kundi sa loob ng "sino" na tunay na tumupad nito. Sa ibang mga salita, saan nagmula ang mga kasiyahan na tumupad sa mga hangaring ito?

      Ipagpalagay natin ng isang sandali na mayroong uri ng pwersa, pwersang naiiba, grabida, kuryente, kahit ano. Subalit ang di-karaniwang bagay tungkol sa pwersang ito ay siyang makapagbigay sa atin ng kasiyahan. Paano? Una, ginawa nito ang hangaring ating nadama sa iba't ibang paraan, at saka tinupad sila. Sa katotohanan, ito talaga ang nangyari. Bawat kilos na ating ginawa mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki ay ang tuparin ang isang uri ng hangarin.

      Habang ikaw ay nag-isip-isip sa bagay na iyon, pag-aralan ito. Tayo ay talagang itinago mula sa pwersang ito. Subalit kung ang pwersang ito ay umiral, hindi lang sa ito ay responsable sa bawat bagay na aking ginawa, dahil sa lagi kong sinubukang tuparin ang isang hangarin o ako'y manatiling walang galaw, pero ito ay responsable rin sa lahat ng bagay na ginawa rin ng ibang mga tao. Dahil lahat ng mga aksyon ng sinong tao sa planeta ay laging para sa parehong layunin, para tumanggap ng isang uri ng katuparan sa isang hangarin. Ito ay totoo din sa kahit anong hayop sa planeta. Ang kaibahan lang ay ang ating mga hangarin ay mas dibelop.

Ang kuwento ng Hari at ng pulubi

      Ano talaga ang sinubukan nating marating dito? Tingnan natin kung ang maiksing kwento ay maaaring makapagbigay-linaw sa lahat. Dati mayroong dalawang bata na matalik na magkaibigan. Nang sila ay lumaki na, ang isa ay naging Hari, at ang isa ay simpleng pulubi. Nawala ang kanilang bakas sa bawa't isa sa paglipas ng mga taon, pero isang araw nadiskubre ng Hari kung nasaan ang pulubi. Sa nakita niyang katayuan nito, nagsimula siyang magbigay sa sekreto ng mga regalo. Nagustuhan ng pulubi ang mga regalong natanggap at maligayang-maligaya sa kasiyahang naibigay nito na mahabang panahon muna ang lumipas bago siya nagsimulang magtaka kung sino ang nagbigay sa kanya ng yaong mga regalo.

      Pagkalipas ng maraming taon, sa wakas pumasok sa isip niya na ang mga regalong ito ay may pinagmulan, at simula siyang naghanap sa pinagmulan ng mga kawili-wiling regalo. Isang araw, napansin niya ang taong nag-iwan ng regalo para sa kanya at sinundan niya ito. Tiyak na ang tao ay pumasok sa palasyo ng Hari at ang pulubi ay sumunod sa kanya sa loob.

      Nang makasalubong ang Hari, nagtaka siya ng labis ng madiskubre na ito ang nagbigay sa kanya ng mga regalo sa mga taong ito. Napansin ng Hari na ang pulubi ngayon ay hindi na tunay na masaya at nagtanong siya "Ano pa ang maaaring maibigay ko para ikaw ay maging tunay na maligaya?" Ang pulubi ay sumagot "Gusto kong maging katulad ka, ang gumawa ng ginagawa mo." Ito ay di-maaaring gawin ng Hari, dahil maaari niyang ibigay sa pulubi ang lahat ng kanyang mga ari-arian, pero ito ay depende na sa pulubi para hanapin sa loob nito ang hangarin ng mabuting Hari.

      Tayo ay katulad ng pulubi, palaging tumanggap ng kasiyahan sa mga hangaring iniligay sa loob natin ng hindi kilalang tagabigay. Pero sa isang punto, tayo ay simulang hindi lang naki-ugnay sa mga regalo galing sa tagabigay, kundi talagang gustong malaman kung sino siya, at maging katulad niya.

Kailangan kong likhain ang tunay na "ako"

      Ang hangaring ito ay kumatawan ng ating tunay na "ako". Bakit? Dahil lahat ng ibang mga hangaring ito ay talagang galing sa tagabigay. Pero ang hangaring maging katulad ng tagabigay, ang gumawa ng kanyang ginagawa, ay hindi ang hangarin na binigay niya sa atin, ito ay hangarin na ating idibelop sa loob ng ating mga sarili. At ito lang ang malayang hangarin na angkin natin, ang lahat ng iba pa ay galing sa tagabigay.

      Kung gustong malaman ng tao kung sino talaga sila, ang pananaliksik ay nagsimula sa paghanap kung sino talaga ang nagdala ng mga kasiyahan na nararanasan nila, at simulang makiugnay sa tagabigay, hindi sa mga kasiyahang galing sa tagabigay.

 
  

The Wandering Faith Ministry (AD 1999)

Top