Make your own free website on Tripod.com
Home talaan ng mga nilalaman

 

 

Kasama sa serye na ito:

Mga Sanaysay na Galing sa Pahayagang "Kabbalah Today"

 

Ang Kabala ay di Pilosopiya

Sa sinaunang panahon, ang Kabala ay pumukaw sa mga may dakilang pag-iisip para pumailanglang at hanapin ang kahulugan pero ang sanga ng "pilosopiya," ay dagling pumihit sa ibang direksyon.

Malamang na isipin natin na ang mga Kabalista ay mga taong solitaryo na nagtago sa malamlam, nilalawagan ng kandilang silid at nagsusulat ng mga mahiwagang kasulatan. Sa gayon, hanggang sa wakas ng ika-20 siglo, ang Kabala ay talaga ngang inilihim. Ang lihim na paglapit sa Kabala ay nakapukaw ng maraming tsismis at mga alamat na nakapaligid sa kanyang sariling katangian. Bagama't karamihan sa mga tsismis ay di totoo, lumito pa rin ito at nililigalig kahit ang mahigpit na mga palaisip.

Subali't ang Kabala ay di palaging sekreto. Sa totoo, ang mga sinaunang Kabalista ay lantad na lantad hinggil sa kanilang kaalaman, at sa gayun mang panahon ay nakikisangkot nang maigi sa kani-kanilang samahan. Kadalasan, ang mga Kabalista ay ang namumuno sa kanilang bayan. Sa lahat ng mga pinunong iyon, si Haring David ay siyang pinakamabantog na halimbawa ng dakilang Kabalista na isa ring dakilang pinuno.

Ang kinalaman ng mga Kabalista sa kani-kanilang lipunan ay nakatulong sa kanilang mga kasalukuyang iskolar na pagyamanin ang batayang sa ngayo'y tinatawag nating "Western philosophy," na pagkatapos ay naging batayan din ng makabagong siyensya. Sa pasintabi, ito ang sinulat ni Johannes Reuchlin, isang taong nagtataguyod ng kapakanan at kagalingang pantao, klasikong iskolar at eksperto sa mga lumang wika at kaugalian, sa kanyang aklat, De Arte Cabbalistica: "Ang aking guro, Pythagoras, ama ng pilosopiya, kumuha ng kanyang pagtuturo sa mga Kabalista ... Siya ang unang nagsalin ng salitang, Kabbalah, lingid sa kanyang mga alinsabay, tungo sa salitang Greko philosophy ... Hindi tayo pinanatiling mamuhay sa alikabok kundi inangat ang ating pag-iisip sa sukdulan ng kaalaman ng Kabala.

Nguni't ang pilosopo ay hindi Kabalista. Dahilan sa hindi sila nag-aaral ng Kabala, hindi nila maintindihang lubos ang kaibuturan ng kaalamang Kabala. Ang naging resulta, ang kaalaman na sana ay pinasibol at pakikitunguhan ng paraang tiyak ay pinasibol at pinakikitunguhan ng hindi maayos na paraan. Nang ang kaalamang Kabala ay nandayuhan sa iba't ibang pook ng mundo, kung saan wala ring mga Kabalista sa mga panahong iyon, ito'y napaiba din ng landas.

Sa gayon, ang sangkatauhan ay gumawa ng pansamantalang daanan. Bagaman ang Western philosophy ay naglakip ng kabahagi ng kaalamang Kabala, humantong ito sa pagtanggap ng magkaibang-magkaiba na direksyon. Ang Western philosophy ay nakalikha ng mga siyensyang nananaliksik sa ating mundong panlupa na siyang mapaghulo natin sa ating limang sentido. Nguni't ang Kabala ay isang siyensya na nag-aaral kung ano ang nangyari sa ibayo yaong hindi nahuhulo ng ating mga sentido. Ang pinagbagong pagpapahalaga ang siyang nagtulak ng sangkatauhan na mapasalungat ang direksyon mula sa orihinal na kaalaman na natamo ng mga Kabalista. Ang pagbabago ng direksyon ay nagdala ng sangkatauhan sa pansamantalang daanan na siyang sanhi sa pangkalahatang maling kuro-kuro kung ano talaga ang Kabala.

 
  

The Wandering Faith Ministry (AD 1999)

Top